--
He's mad again Bakit? Kasi iniisip niya may ginagawa akong kabalbalan sa mga nagdaang araw. Yung araw na binagyo at bumaha ng katakot-takot. Iniisip niyang may iba kong pinupuntahan. Lagi akong mali sa paningin niya. DI ko alam kung bakit. Sa tingin ko di naman niya ako ganoon kakilala, di ko siya kasama lumaki- ilang taong ni anino niya ay di ko man lang masilayan.
Mahihinuha na may pait ang tono ng aking mga salita. OO, mayroon, ngunit pasalamat ako sa ina ko walang sawang nagpapaalala sa akin sa papa ko, na gusto lang niyang protektahan ako. OO naiintidihan ko yun. Buong buhay ko yun ang itinanim ko sa puso, utak at buong pagkatao. BUong buhay kong iniisip at dinadama na mahal niya ako. Pero bakit tiwala lang naman ang hinihiling ko di pa niya maibigay? Ginagawa ko naman ang lahat kahit mahirap. SInusubsob ang utak ko sa mga libro at computer para lang mapasama sa top, kahit minsan di ko na naiintindihan. Pilit kong pinapatay yung mga nararamdaman para ni isang paghanga ay wala akong madama. Pilit kong isinasantabi ang mga kaibigan ko para sundin ang gusto niya: "Bahay-School, repeat the cycle. Bawal dito, bawal nito. Wag monggawin yan.Ito ang dapat mong gawin. Naiintindihan mo ba? Pag di mo ginawa yan, di mo magugustuhan ang gagawin ko sa iyo."
Sa isip-isip ko, bakit ganoon siya..? ganoon ba talaga? Di naman ako robot o program na pwedeng i-implement ang command na gusto niya. Tao rin ako, napapagod, nagsasawa sa kaapaliwanag na wala naman akong ginagawang masama. Lola ko yung pinupuntahan ko dun, estrangherong kumopkop sa amin ng kami'y inabanduna niya...mga estranghero pumuno sa pagkukulang niya. Mga estranghero na turing sa amin ni mama na pamilya. Bakit ganun na lang siya manghinala sa akin? Napapagod na ako. Gusto ko umiyak. Gusto ko magalit kaso di pwede, di ko kaya....tatay ko siya eh. mahal ko siya.masama magalit sa magulang.
Kaya ito, sana pagkatiwalaan na niya ako..kasi gusto ko lang pagkatiwalaan. Pakiramdam ko kasi, ako pa rin yung Melrose na di buo...na broken..
Sa tingin ko ang best na gawin ay ang ipagpray ang kahihinatnan nito at gawin ko ang tama. :)
I would like to end this up by quoting an advice from a great friend of mine, his name is Theodore, Theo for short. He is from heaven, in short an angel in human form and from my mom, my ever loving mom (their thoughts are the same):
Theo:
Mama:Ganito, there is nothing to be sad about...yes it is painful but I declare, GOD SAW EVERYTHING! He will never leave you Maybe, God allow those things to happen because of the preparation of your future...what happened to us in tha past has a connection in the future...and prove Him na he is wrongmas ipakita mo na dapat syang magtiwala sayoThere will come a time, marerealize nya na nagkamali sya
Intindihin mo siya 'nak. Wag ka magtanim ng galit. Ipakita mo na mali siyana, na pwede ka niya pagkatiwalaan.His words are right. :) And I know that God is talking, and He used my friend and my mom as an instrument to tell me these words of wisdom. And you know what, it feels so good that God is always here in the form of others. :)