Sa totoo lang kaya ako nalulungkot kasi ayaw ko lang ng paulit-ulit na bumabagsak. Kasi di ako sanay na palagiang bumabagsak. Ako kasi yung tipo ng tao na takot bumagsak, takot makaramdam ng sakit, takot sa maraming bagay kahit na sa tingin ng iba na ang lakas lakas ko—na ang tapang tapang ko. Parang ang plastic lang no. Pero yun eh. PEro kailangan ko maging matapang sa kahit na anong takot na pwedeng iharap sa akin. Parte to ng buhay eh, parte to ng pagiging tao. Kailangan ng sakit, kailangan bumagsak para makatayo muli.
Kaya sa huli, kung ma-o-OBE man ako, edi harapin ko yun, at least I had a chance para maexperience ko kung ano ba yung ginagawa sa OBE, kung magreretake ba ng exam o exercise. Either way, at least alam ko na pwede pang bumawi. At saka di pa huli ang lahat, simula pa lang to. Marami pa ako pagdadaanan. Ang importante eh may natutunan ako sa pagkakamali ko noon. Ang importante, marunong ako bumangon sa muling pagkakabagsak at haharapin iyon nang may ngiti sa mukha at sa buong pagkatao ko.
Kaya, never quit..kasi ang loser ay ang quitter.
#30
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento