Tula 101
Nais kong lumikha ng tula.
Ngunit, tila walang mapiga,
Sa utak ni puso'y walangwala.
Oh Tula! Paano ako magsisimula?
Tila mga ligaw na tupa,
Mga salita lumitaw tuwina.
Sulat dito sulat doon.
Ngunit saan paroroon?
Sa huli, pluma'y kinuha,
Papel ay inihanda.
Tatlong saknong ay nailikha
Tuwa sa mukha'y naipinta.
-Melrose Calamba
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento