May mga oras na naiinis ako.
Sorry, pero minsan lang to.
May boses ka nga pero mistulang walang nakaririnig.
Di ko rin alam kung nagagamit ba ito o hindi.
Sinusubukan kong habaan ang pisi.
Pero lagi na lang ba ganito?
Di porket di ako kumikibo, ibig sabihin nun ay oo.
May pake rin ako, sana maramdaman mo.
Di yung sa oras na may kailangan ka, tsaka ka lang tatakbo.
Tao rin ako napapagod.
Tao rin akong nangangailangan ng kalinga mo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento