Salamat Junela, Joshua, Russell, JV, Jed, Daniel, Princess, Theo, mga BFFs ko (Jill, Claudette at Biancs) at Ate Ann.
Alam kong di lahat kayo makababasa nito. Pero, gusto ko lang magpasalamat dahil kahit papaano di niyo ako iniwan sa mga oras na kailangan ko ng karamay. Upon assuring me that you're always there is already enough to ease things up..even though some of us may not talk physically, but that assurance is already a big thing. :)
Mukhang mababaw man to, pero, alam kong alam niyo yung dahilan kung bakit ganun na lang yung impact ng mga failing scores ko sa akin. Salamat kasi nanjan kayo para umalalay at di para humusga. Sobrang salamat talaga. Di man mawawala yung bigat nito ng isang tulugan lang, pero kahit papaano, pinagaan niyo ito. Sa tingin ko, di ko rin kakayanin na harapin yung mga problema ko kung wala kayo.
Isa kayo sa mga regalo ni Lord sa buhay ko, at pamhabang buhay ko kayo pagkakaingatan. :)
Sa ngayon, gagawin ko pa rin ang part ko, pipiliting bumangon kasi alam kong pagsubok lamang ito at malalapgpasan rin ito, para saan pa't matatagumpay rin tayo, at lubos pa akong magdarasal...alam kong ito ang aking sandigan. Di Niya ako pababayaan.
Muli, salamat ng marami! Nawa'y mas tumibay pa ang ating pagkakaibigan. :) Hayaan niyon makabawi ako sa inyo. hanggang sa muli.!
Mel
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento